^

Metro

Illegal parking tinutukan ng MTPB

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Puspusan ngayon ang operasyon ng mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau sa iba’t ibang lugar sa Maynila.

Ayon kay MTPB  Director Ret.Col. Benja­min Feliciano, ang ka­nilang sunud-sunod na operas­yon ay bilang paghahan­da sa pagdagsa ng mga estudyante papasok ngayon Hunyo.

Kabilang  sa mga sinuyod ng MTPB ang  kahabaan ng  Rizal Ave.  at Tambunting St. sa Sta. Cruz; Gabbys hanggang Panaderos St. sa Sta. Ana at Lambingan Bridge sa Sta. Mesa, Maynila.

Sinabi ni Feliciano na kailangan nang linisin at paluwagin ang mga lugar dahil inaasahan na ang dagsa ng mga sa­sakyan at estudyante na papasok ngayon sa pagsisimula ng school year.

Kasama sa mga nag­sagawa ng clearing ope­ration sina Gerald Mendoza, Agalito Cunanan, Joseph Guian, Rodin Valdez, Joey Edrick Santiago, Bienvenido Dataylo, Glen Valderde, Willie Gardiola, Christopher Salvador, Relito Navarro, Arielito Isip, Oscar Mangabang at Eduard Montebon.

Idiniin din ni Feliciano na isasagawa nila ang  surprise operations sa mga lugar na tambak ang reklamo mula sa mga motorista upang malaman ang solusyon na ginagawa ng mga traffic  enforcers.

vuukle comment

FRANCE

TAKLUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with