Pinagkamalang police asset, itinumba

Sa report na natanggap ni Chief Supt. Henry Ranola Jr., district director ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente alas-11:50 ng gabi sa  harapan ng Gate 3, FTI Terminal, Rambutan Road, Barangay Western Bicutan ng naturang lungsod habang ang biktima ay nakatayo doon nang biglang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ito sa ulo na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. STAR/File photo

MANILA, Philippines – Matapos mapagkamalang  police asset, isang lalaki ang pinagbabaril at napatay ng hindi pa nakikilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Dead on the spot ang biktimang si Dennis Almonia, 37, nakatira sa  PNR Site, FTI Compound, Brgy. Western Bicutan ng naturang lungsod, nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa ulo buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek at nagsasagawa pa ng follow-up hinggil sa insidente.

Sa report na natanggap ni Chief Supt. Henry Ranola Jr., district director ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente alas-11:50 ng gabi sa  harapan ng Gate 3, FTI Terminal, Rambutan Road, Barangay Western Bicutan ng naturang lungsod habang ang biktima ay nakatayo doon nang biglang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ito sa ulo na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Ayon sa kinakasama ng biktima na si Aubrey Rose Nieva, bago ito may nakatanggap na umanong banta sa buhay ang biktima.

Ayon sa pulisya, pinagbibintangan umano ang biktima na isang police asset, na siyang posibleng motibo sa pagpaslang. Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa pangyayari.

Show comments