MANILA, Philippines – Patay ang isang pas-yente ng East Avenue Medical Center sa Quezon City, makaraang tumalon ito buhat sa ika-limang palapag ng naturang ospital sa isang insidente ng pagpapatiwakal, ayon sa pulisya kahapon.
Sa ulat ng Quezon City Police District Station 10, ang biktima ay nakilalang si Joselito Amor, 48, family driver ng Katangian St., Batasan hills sa lungsod.
Ayon kay PO2 Rexaldo Salvador, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may ika-limang palapag ng EAMC, Brgy. Pinyahan, ganap na alas-12:55 ng tanghali kahapon.
Sa inisyal na imbestigasyon, lumabas na ang biktima ay sumailalim sa prostate operation sanhi para hindi ito mapagkatulog at maging balisa.
Sabi ng kanyang asawa, isasailalim umano ang biktima sa isang linggong regular medication.
Gayunman nang mga nabanggit na oras, habang naglalakad ang asawa nito sa nasabing palapag ay bigla na lamang umanong inuna- han siya ng biktima saka nagbabay sa asawa at tumalon.
Pagbagsak ng biktima sa ibaba ay nagtamo ito ng mga matinding pinsala sa kanyang katawan na agad namang binigyang lunas ng mga doktor, subalit makalipas ang alas- 3 ng hapon ay binawian din ng buhay, ayon sa EAMC.
Samantala, ang kaso ay itinawag na rin ng EAMC sa QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit para sa pagsisiyasat matapos makumpirma ang pagkamatay nito.