Taxi driver kalaboso sa karnap

MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang taxi driver sa reklamong carnapping at qualified theft na inihain ng kaniyang operator kaugnay sa pagtangay sa minamanehong sasakyan  sa Pandacan, Maynila, sa ulat kahapon.

Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District- Anti-Carnappin Investigation Unit ang suspek na si James Ronald Otero, 46, residente ng   Int. Burgos St., Paco, Maynila.

Sa ulat ni PO2 Ryan Paculan, inireklamo ni Abigail Calimlim, 41, taxi operator at residente  ng Zamora St., Pandacan,  ang suspek dahil sa hindi na umano lumulutang mula nang ipasada ang kaniyang Avanza (Sharaheen)  ( TXX 246) noong Enero 25, 2016.

Nang makita ng operator na nagbalik sa lugar ang suspek ay agad na nakipag-ugnayan sa pulisya at ipinaaresto ito.

Show comments