^

Metro

Pinabubusisi ng BuCoR preso patay sa ‘takal’ sa Bilibid

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ngayon ng pamunuan ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City hinggil sa pagkamatay ng isang preso matapos  mabunyag  na  dumanas ito ng matinding torture mula sa mga kakosa nito.

Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa NBP Hospital noong Huwebes ang convicted murder na si Fabian Mabalato, 46, ng quadrant 3, ng maximum security compound.

Nabatid na bago pa man sumakabilang buhay ay sumulat na umano ang biktima kay  Bureau of Corrections (BuCoR) director, Ret. General Rainier Cruz III hinggil sa pag-torture sa kanya ng mga kakosa subalit  hindi naman nakarating sa tanggapan ang sulat at ipinatago ito sa isa nitong  kapwa  preso.

Nakasaad umano sa sulat ni Mabalato, ginulpi siya at dumanas ng matinding torture mula sa isang grupo ng mga preso  dahil sa naging utang nito sa droga na nagkakahalaga ng P600,000.00 hanggang P700,000.00.

“Basag ang aking mukha at nagkaroon ako ng malaking bukol sa ­aking leeg dala ng malakas na pagkapalo nila. Pinagkasunduan ng lahat ng nanunungkulan na ako’y kanilang takalan, paluin ng bilang na 245 takal. Binartolina po nila ako doon ng 5 months at doon na po ako natuluyang malumpo. Maawa na po kayo sa akin Sir, hindi ko na kaya. Tulungan po niyo akong  makamit ang tamang hustisya para panagutin silang lahat sa ginawa nila sa akin.”, ito ang mga nakasaad sa sulat ni Mabalato.

Ayon naman kay NBP Superintendent Richard Schwarzkopf Jr., wala naman silang natatanggap na reklamo mula sa biktima na siya ay dumanas ng matinding torture.

Nabatid pa kay  Schwarz­kopf, si Mabalato  ay may dalawang taon ng nakakulong dahil sa kaso nitong murder, kung saan na-confine ito sa nabanggit na pagamutan noong Disyembre, 2015 dahil sa sakit na tuberculosis matapos itong dumaing nang pananakit sa kanyang katawan.

Sinabi pa ng naturang opisyal, na hindi nila pinapayagan at  hindi nila kinukunsinti ang  “pagtakal” sa mga preso.

Tiniyak naman ni Schwarzkopf, na magsa­sagawa sila ng masusing imbestigasyon hinggil sa insidente.

Nabatid pa na kung sakaling may katotohanan ang akusasiyon ni Mabalato, mananagot aniya ang mga presong sangkot dito.

Sinabi ni  Schwarzkopf, na hinihintay nila ang autopsy report hinggil sa na­ging sanhi ng kamatayan ni Mabalato.

ACIRC

ANG

BUREAU OF CORRECTIONS

FABIAN MABALATO

GENERAL RAINIER CRUZ

MABALATO

MUNTINLUPA CITY

NABATID

NBSP

NEW BILIBID PRISON

SCHWARZKOPF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with