MANILA, Philippines – Tahasang sinabi ni Manila Mayor Joseph Estrada na may tamang lugar ang mga vendors sa Maynila at hindi umano nila ito pinapayagang kumalat sa lansa-ngan kung saan nalalagay sa panganib ang kanilang mga buhay.
Ang pahayag ni Estrada ay bunsod na rin ng pagsusulputan ng mga vendors kung saan nakasasagabal na ang mga ito sa daloy ng mga sasakyan partikular sa Divisoria at Avenida, Rizal.
Ayon kay Estrada, unti-unti nila inaayos ang lugar ng mga vendors upang hindi maapektuhan ang daloy ng trapiko. Kabilang na aniya dito ang paglalabag ng night market kung saan hindi maaaring magtinda sa kalsada ang mga vendors.
Dahil dito nakikita na ang kalsada ng Divisoria na malaking pagbabago dahil hindi na nadaraanan noon ang kalsada dahil sa puno na ng mga vendors.
Binigyan diin ng alkalde na ginagawa nila ang lahat ng paraan upang masolusyunan ang problema sa vendors at trapik subalit marami ang agad na sumusuko.
Aniya,hindi naman agad malulutas sa isang iglap ang problema na matagal nang hindi sinolusyunan ng mga nakaraang administrasyon.
Sa katunayan, epektibo naman ang truck ban subalit tila masyadong maawain ang Malakanyang kaya’t nang nakiusap ito na alisin ang truck ban ay pinagbigyan nila ito.
Nakakapanghinayang lamang ang planong solusyon ni Manila Vice Mayor Isko Moreno Domagoso upang mawala ang trapik sa Maynila.
Hindi naman umano maikakaila na nagkaroon ng truck ban kaya lumuwag ang Maynila.