MANILA, Philippines – Hiniling ng isang dating senador sa Korte Suprema na ipatigil nito ang patuloy na pag-eere ng political ad campaign ni Senador Grace Poe dahil maaari umano itong makaimpluwensiya sa kasong may kaugnayan sa kaniyang pagtakbo sa 2016 national elections.
Sa pamamagitan ng isang Urgent Manifestation, hinimok ni dating Senador Francisco Tatad, sa pamamagitan ng kaniyang abugado na si Atty. Manuelito Luna na iutos ang pagpapatigil ng ad campaign ni Poe dahil maaring maimpluwensiyahan nito ang hukuman sa desisyon ng mga kinakaharap na kasong kumukuwestiyon sa kaniyang citizenship at residency na nakatakdang talakayin ang isyu
Partikular na tinukoy dito ang 30 segundong ad campaign na nagpapakita sa isang mag-lola na nagtatanong kung tuloy pa ang pagkandidato ni Grace Poe bilang presidente habang ang isang lalaking kapitbahay naman ang nagsasabing, “Eh ganyang-ganyan din yung ginawa nila sa tatay niyang si FPJ eh,” na sinagot naman ng babae na “Pero sa huli, pinayagan ng Korte Suprema na tumakbo”.