Vintage bomb nahukay sa Delpan Sports Complex

MANILA, Philippines – Isang vintage artillery bomb na may kakayahan pang sumabog ang nahukay mula sa construction site sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng Manila Police District-Explosive Ordnance Division (MPD-EOD) ang narekober ay isang 81 mm mortar na pinaniwalaang ga­mit noong World War II.

Alas 3:00 ng hapon nitong Sabado, (Enero 16) nang tamaan ng paghuhukay gamit ang pala ng isang Sonnyboy Valentin, 23 anyos, trabahador ng E Malaya Construction, ang nasabing bomba sa loob ng Delpan Sports Comple.

Inalam ang insidente ng Delpan Police Community Precint na siyang tumawag sa EOD.

Sa pagsusuri ng EOD Viper 42 na pinamunuan ni SPO4 Modesto Pagaran, intact pa ang component ng bomba at maaari pa itong sumabog. Nasa pangangalaga na ng EOD ang bomba.

Show comments