MANILA, Philippines – Tinatayang nasa P10-milyong halaga ng pekeng cosmetic products ang nasamsam ng mga elemento ng Manila Police District sa isinagawang pagsalakay sa isang bodega sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.
Sa ulat mula sa tanggapan ni MPD-District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) chief, S/Insp. Rosalino Ibay Jr., nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa bodega na pinaglagakan ng mga produktong walang kaukulang lisensiya at hindi rin rehistrado sa Bureau of Food and Drugs (BFAD) kaya nag-aplay sila ng search warrant na inaprubahan naman ni Hono-rable Judge Zaldy Docena ng Malabon Regional Trial Court Branch 170.
Ginamit nila ito sa pagsalakay sa warehouse na matatagpuan sa PNR Compound sa A. Rivera St. Tondo.
Bigo silang maaresto ang may-ari ng bodega na si Wilson Co ng Unit 9 at 10, bagamat nasamsam lahat ng mga produkto na nagbuhat umano sa bansang China.
Ipinasuri ng DPIOU sa BFAD ang cosmetic products para madetermina na may taglay na mapanganib na kemikal para gamiting ebidensiya laban sa negos-yante.