MANILA, Philippines - Hindi bababa sa 134 estudyante ng Pio del Pilar Elementary School ang dinala sa ospital matapos umanong malason sa biniling pagkain sa canteen ngayong Huwebes.
Sinabi ni Makati City spokesman Gilberto delos Reyes na 44 estudyante ang isinugod sa Ospital ng Makati (OsMak) habanh ang iba pa ay sa Palanan Health Center.
Pawang nasa Grade 4, Grade 5 at Grade 6 ang mga biktima.
Isinugod sa ospital ang mga estudyante matapos ang pagsusuka at pananakit ng tyan.
Ayon pa kay Delos Reyes ay bandang 9:30 ng umaga nangyari ang insidente matapos bumili ng pagkain ang mga estudyante para sa kanilang recess.
Hindi pa naman matukoy ni Dr. Janina Bianca ng OsMak kung ano ang pagkaing nakalason sa mga estudyante.
Nagpakuha na rin ng food samples si Ortiz sa canteen upang isailalim sa laboratory examination.
Samantala, binisita ni Makati Mayor Romulo Peña ang mga biktima at tiniyak sa mga magulang na ang pamahalaang lokal ang magbabayad ng hospital bills.