MANILA, Philippines – “The best among the rest!”
Ganito isinalarawan ng grupo ng mga kapatid na Muslim sa lungsod ng Maynila si 5th District Congressman Amado S. Bagatsing nang pormal na ihayag ng mga ito ang kanilang pagsuporta at pag-endorso sa kongresista sa kanyang pagtakbo bilang Alkalde ng lungsod ngayong 2016 election
Ayon kay Engineer Manuel Diria, Chairman at Presidente ng grupong Alyansang Aakbay sa Makabagong Tagumpay Inc., (ALAMAT) isang grupo na nakapailalim ang may halos 80 grupo ng mga Muslim sa Maynila partikular mula sa Baseco, San Andres Bukid, San Andres Malate, at Quiapo, “Pinilit namin si Congressman Amado Bagatsing sa pagpipiliang tatlo dahil sa nakikita namin ay siya lang ang may seryosong programa para sa mamamayan ng Maynila, kamukha ng KABAKA, na hindi naman lingid sa kaalaman ng mga Manilenyo ay maraming kasapi. At nakikita po namin na ang lumalalang peace and order sa Maynila ay tanging si Cong. Bagatsing lamang ang siyang pinaka susi para maayos ito” pahayag ni Diria. Bukod rito, iginiit din nito na iisa umano ang naging boses ng mga kapatid na Muslim sa lungsod sa paniniwalang hindi bibigyan ng importansya at pansin ang hanay ng mga Muslim sa lungsod sa administrasyon ni da-ting Mayor Alfredo Lim at kasalukuyang Mayor Joseph “Erap” Estrada.
Samantala, pinasalamatan naman ni Bagatsing ang mga Muslim sa lungsod sa ginawang suporta at pag-i-endorso ng mga ito sa kanyang programa at kandidatura para sa pagka-alkalde ng Maynila.
“Akoy nagagalak sa supor-ta at tiwala ibinigay sa akin ng ating mga kapatid na Muslim dito sa lungsod ng Maynila.
Sabi ko nga sa kanila ay sama-sama tayong gumawa ng alamat sa Maynila, sapagkat sa laban na ito, ang mensahe sa buong Pilipinas ay very discriminating at intelehente ang mga Manilenyo at sa kabila ng wala tayong resources tulad ng resources ng mga kalaban ko at sinasabing pera-pera lang yan, nakikita natin na magpipili tayo ng may ‘programa’ at isang puro ‘pera’.
‘‘Ang aming ino-offer sa mga mamamayan ng Maynila ay program for the last 30 years. At yung huling itinayo namin ay ang KABAKA clinic, wala pong bayad yan, hindim naman po ako mayor, pero nakakapagbigay tayo ng libreng gamot, libreng ultrasound, blood chemistry, 2d echo, libreng ECG’’, dagdag pa ni Bagatsing.