^

Metro

75 katao, tiklo sa ‘Oplan Galugad’

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umabot sa 75 katao na hinihinalang sangkot sa mga iligal na droga ang dinampot ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) matapos isagawa ang operas­yon sa isang barangay dito, kahapon ng umaga.

Ayon kay P/Supt. Robert Sales, commander ng QCPD Station 6, ang operasyon ay isinagawa base sa ipinatupad na ‘Oplan Bulabog/Galugad’ na ginawa sa anim na lugar sa Barangay Batasan Hills.

Kabilang anya sa mga naaresto ay 12 babae at 63 lalaki kung saan ang pinakabata ay 16-anyos lamang na pawang mga gumagamit ng iligal na droga.

Ganap na alas- 8:30 ng umaga nang simulan ng tropa ni Sales ang operasyon sa tulong ng mga opisyales ng barangay. Nasamsam sa nasabing operasyon ang ilang piraso ng plastic sachet ng shabu, drug paraphernalia at mga improvised na baril o sumpak.

Isinagawa ang “Oplan Bulabog/Galugad” matapos ang reklamong nakarating sa tanggapan ng PS-6 kaugnay sa talamak na paggamit ng droga at mga lumalalang krimen.Sa kasalukuyan, pinoproseso na ang mga nakuhang ibidensya ng mga operatiba sa mga suspect para sa inihahandang kasong isasampa laban sa kanila.

ACIRC

ANG

AYON

BARANGAY BATASAN HILLS

GALUGAD

GANAP

ISINAGAWA

MGA

OPLAN BULABOG

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

ROBERT SALES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->