Rider umovertake nasalpok ng bus

MANILA, Philippines – Patay ang isang motorcycle rider nang mabundol ng isang pampasaherong bus habang umo-overtake sa isang jeep, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital si Rodel Ymas, 39, ng 48-A Tandang Sora, Sa­ngandaan, Quezon City.

Naaresto naman ng pulis­ya ang suspek na si Edward Cresencio, 47, may-asawa, ng 117 Zabarte Road, Camarin, Caloocan.

Sa ulat, binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Zabarte Road lulan ng Honda XRM (NI 3393) dakong alas-12:01 ng madaling araw patungong Quezon City nang tangkaing lagpasan ang isang pampasaherong jeep.

Kasalubong naman nito sa kalsada ang Nova Transport Inc. (UVJ 594) na minamaneho ni Cresencio at nabundol ang motorsiklo sanhi upang tumilapon si Ymas at bumagsak sa kalsada.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa reckless imprudence resulting to homicide.

Show comments