SUV nang pinatay na ex-police colonel narekober

MANILA, Philippines – Natagpuan na ng mga otoridad ang inabandonang sasakyan ng retired police colonel na pinatay sa Sta. Cruz, Maynila noong Disyembre 27, 2015.

Narekober sa highway ng Barangay Camanggaan, Vigan, Ilocos­ Sur ang Ford Eco Sport (ACA 1925) ni retired Supt. Ci­priano Herrera,77, dating barangay chairman at naging opisyal ng Western Police District.

Ayon sa lokal na pulisya ng Vigan, natunton ang sasakyan sa tulong ng magsasakang si Mario Quilaan.

Natuklasan na tinanggalan ng baterya at mga accessories ng suspek na si Allan Liwanag, 40, ang naturang sasakyan.

Mismong ina ng biktima ang umamin umano sa pulisya na ang suspek na anak ay namasko pa sa kanila dahil nakatira na ito sa Samar  subalit hindi na niya alam kung nasaan ito matapos umalis ng Dis 27.

Nakita sa kuha ng CCTV na ang suspek ay nakasuot ng bullcap at jacket nang lumabas ng bahay ng biktima alas-4:00 ng madaling-araw na sinasabing dumaan sa fire exit nang pumasok.

Show comments