MANILA, Philippines – Umaabot sa 10,000 residente mula sa ikatlong distrito ng Maynila ang tumanggap ng Christmas gifts mula kina Manila Mayor Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno Domagoso.
Sa isang simpleng programa na ginanap sa Rasac covered court, pinangunahan nina Estrada, Domagoso at mga konsehal mula sa ikatlong distrito ang pagmamahagi ng Christmas gifts bilang tanda rin ng kanilang pasasalamat sa tiwala ng mga ito sa city government.
Ayon kina Estrada, ginagawa nila ang lahat upang maibigay sa mga Manilenyo ang kanilang mga pangangailangan. Anila, nais lamang nila ang suporta ng Manilenyo sa kanilang mga proyekto.
Sinabi naman ni Domagoso na umaasa siyang magtutuluy-tuloy ang programa ng city government upang maiahon sa hirap ang mga tagalungsod.
Dinaluhan nina Councilors Bernie Ang, Letlet Zarcal, Terrence Alibarbar, Atty. Grace Chua at Tabako Alonzo na pawang taga 3rd district ang gift giving.