MTPB, MDTEU paluluwagin ang kalye sa Maynila

Personal na minanduhan ni Manila Traffic and Par­king Bureau (MTPB) Director Carter Don Logica ang daloy ng mga sasakyan sa panulukan ng Jose Abad Santos at Recto upang maiwasan ang pagkakabuhul-buhol nito. Madalas na inirereklamo ang lugar sa masikip na trapiko.

MANILA, Philippines – Paluluwagin ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang mga kalye sa lungsod sa susunod na  taon.

Ayon  kay MTPB Director Carter Don Logica, sisikapin nilang  malinis at mapaluwag ang kalsada sa  lungsod sa pagsisimula ng taon upang  mas maging madali  para sa mga motorista.

Sinabi ni Logica na kaila­ngan muna nilang intindihin ang sitwasyon ng trapiko sa lungsod dahil Yuletide Season subalit minomonitor pa rin nila ang daloy nito.

Sa katunayan ay nagpapakalat pa rin sila ng kanilang mga tauhan sa iba’t ibang lugar kung saan dumadagsa ang mga mamimili.

Katuwang nila dito ang mga tauhan ng MDTEU sa pamumuno ni Chief Insp. Olive Sagsaysay.

Kasabay nito, umapela din si Logica sa mga driver na huwag maging pasaway at ma­ging disiplinado sa kalsada.

Kadalasang nangyayari na ang kawalang disiplina ng mga motorista ang siyang nagiging dahilan ng pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Show comments