Walang krimen sa Simbang Gabi - NCRPO

MANILA, Philippines — Naramdaman ang diwa ng Kapaskuhan matapos walang maitalang krimen sa siyam na "Simbang Gabi" ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sinabi ni NCRPO spokesperson Chief Insp. Kimberly Molitas na walang major criminal incident na naiulat magmula nang magsimula ang Simbang Gabi noong Disyembre 16 hanggang kagabi.

Dahil ito sa mas maraming puwersa ng kapulisan na ikinalat upang matiyak na walang manggugulo sa pagninilay ng publiko.

Nasa 224 simbahan ang binantayan ng NCRPO mula sa limang distrito -- Northern, Eastern, Manila, Quezon City at Southern Police Districts.

Show comments