3 pamilya nasunugan sa bisperas ng Pasko

MANILA, Philippines – Hindi na umabot sa mismong Araw ng Pas­ko ang paghahanda ng tatlong pamilya dahil bisperas nang masunog ang kanilang tahanan  sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng umaga.

Unang nasunog dakong alas-9:00 ng umaga ang ikalawang palapag na nagsisilbing bodega, ng 3-storey apartment  sa V. Mapa st., Sta Mesa, na pag-aari ng Fortich family.

Dahil sa kalumaan at yari sa light materials ay tuluyang nadamay naman ang isang bahay sa katabing compound.

 Umabot lamang sa ikatlong alarma ang sunog na idineklarang fire-out alas 10:00 ng umaga.

Wala namang nasaktan dahil nakatakbo lahat papalabas ng bahay ang mga apektado.

Show comments