MANILA, Philippines – Isang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa ibabaw ng isang tulay sa Navotas City, kamakalawa.
Inilarawan ang bangkay na walang damit pang-itaas, nakasuot ng shorts, at nakabalot ang buong mukha ng packaging tape.
Nabatid na nadiskubre ang bangkay ng isang tricycle driver dakong alas- 5 ng madaling araw sa may C-3 Bridge sa kahabaan ng C-3 Road, Virgo Drive, Brgy. North Bay Boulevard South, ng naturang lungsod.
Sa pagsusuri ng NPD- Scene of the Crime Operatives (SOCO), tinatayang nasa pagitan ng edad 30-35 anyos ang biktima, katamtaman ang panga-ngatawan, may taas na 5’3” at tadtad ng tattoo ang buong katawan.
Nagtamo rin ito ng dalawang saksak sa balikat at may marka ng pagbigti sa leeg.
Blangko naman ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga salarin dahil sa kawalan ng testigo.