MRT 3, regular ang biyahe ngayong Pasko

Mananatiling regular ang operating hours ng MRT-3 ngayong Pasko at Bagong Taon upang higit na mapagsilbihan ang riding public. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Naglabas na rin ng sche­dule ng biyahe ngayong holiday ang pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT-3) Alinsunod sa kautusan ng Department of Transportation and Communications (DOTC), mananatiling regular ang operating hours ng MRT-3 ngayong Pasko at Bagong Taon upang higit na mapagsilbihan ang riding public. na mula kahapon, Disyembre 24, bisperas ng Pasko, hanggang Disyembre 31, bisperas ng Bagong Taon, ang MRT-3 ay mag-o-operate ng mula alas-4:30 ng madaling araw hanggang alas-10:30 ng gabi.

Ang MRT-3 ay bumibiyahe sa kahabaan ng Edsa mula sa North Avenue sa Quezon City hanggang Taft Avenue sa Pa­say City at vice versa.

Una nang nagpalabas ng train schedule ang Light Rail Transit (LRT) Line 1 at 2 na hanggang alas-7:30 lamang ng gabi ang kanilang biyahe kahapon at sa December 31.

Show comments