37 pamilya nasunugan sa Makati

MANILA, Philippines – Malungkot ang Pasko ng 37 pamilya sa Makati City nang mawalan ang mga ito ng tirahan matapos masunog ang 18 kabahayan dahil sa naiwang nilulutong pagkain kamakalawa ng gabi.

Lumalabas sa pagsisiyasat ni SFO1 Reynaldo D. Gon­zales, ng Makati City Fire Department, alas-9:26 nagsimula ang sunog sa bahay ng isang James Minaling sa #4965 panulukan ng Enrique at Diesel Sts., Barangay Palanan.

Naiwan umano rito ang nilulutong pagkain hanggang sa kumalat ang apoy sa 18 kabahayan na gawa lamang sa light materials. Alas-10:15 na ng gabi nang ideklarang fire-out ang insidente.

Show comments