‘Hoverboards’ bawal sa eroplano

Pinaalalahanan ng Cebpac­ ang mga pasaherong may dala ng hoverboarders na hindi nila papayagan iiwan sa ka­nila ‘for safekeeping’ ang na­­sabing self-balancing vehicles. STAR/File photo

MANILA, Philippines – Ipinagbawal ng pamu­nuan ng Cebu Pacific sa lahat ng domestic at international flights aircraft ang pagda­dala ng lahat ng uri ng battery-operated personal transpor­tation devices tulad ng nauusong ‘hoverboards’ at iba pang kahalintulad na self-balancing vehicles.

Ayon sa Cebpac, hindi nila tatanggapin ang mga nasabing kagamitan kahit ito ay i-check in o handcarried baggages dahil sa check-in counter pa lamang ang pasahero ay ipaiiwan na nila ito at hindi isasakay sa eroplano nila.

Ang hoverboards ay uma­andar gamit ang malakas na uri ng lithiumion batteries na maaaring magdulot ng mala­king disgrasiya sa eroplano habang ito ay nasa himpapawid dahil sa pressurized cabin ang aircraft at itinutu­ring itong ‘fire hazard.

Pinaalalahanan ng Cebpac­ ang mga pasaherong may dala ng hoverboarders na hindi nila papayagan iiwan sa ka­nila ‘for safekeeping’ ang na­­sabing self balancing vehicles.

Show comments