Bilyaran grinanada: 11 sugatan

Nabatid na hinahanap umano ng suspek ang isang alyas Kabeb na balak nitong gantihan sa naunang pambubugbog sa kanya. Kahit na hindi nakita, inihagis pa rin ng suspek ang granada sa mga biktima na naglalaro ng bilyar. File photo

MANILA, Philippines - Labing-isang katao ang nasugatan makaraang ha-gisan ng granada ng isang lalaki ang isang bilyaran bilang pagganti sa kaaway nito, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Isinugod sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital ang 11 biktima kabilang ang isang 11-anyos na batang lalaki na inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan.

Pinaghahanap naman ngayon ang suspek na nakilalang si Romualdo Advincula, alyas Kokoy ng Purok La Loma, Brgy. 178, Camarin.

Sa ulat ng pulisya, naga­nap ang pagpapasabog ng granada dakong ala-1 ng ma­daling-araw sa loob ng isang bilyaran sa may Sampaloc Street, Basilio 5, Camarin, ng naturang lungsod.

Nabatid na hinahanap umano ng suspek ang isang alyas Kabeb na balak nitong gantihan sa naunang pambubugbog sa kanya. Kahit na hindi nakita, inihagis pa rin ng suspek ang granada sa mga biktima na naglalaro ng bilyar.

Agad namang nagsagawa ng manhunt operation ang pulisya ngunit bigo na madakip ang suspek.

 

Show comments