P123-M shabu nakumpiska ng NCRPO

MANILA, Philippines – Umaabot sa P123 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa ilalim ng  ‘Oplan Lambat Sibat’ campaign  laban sa ipinag-babawal ng droga at krimi-nalidad sa Metro Manila.

Sa ulat ni NCRPO director Joel D. Pagdilao, uma­bot sa 97 drug personalities ang inaresto ng mga opera­tiba ng Regional Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (RAIDSOTG) sa Metro Manila at nakasamsam ng may 25.1 kilograms ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P123 milyon at tatlong sasak­yan na may kargang  mga drug paraphernalia.

Ani Pagdilao, patuloy ang kampanya ng Oplan Lambat, Sibat ng PNP laban sa kriminalidad sa buong bansa kung saan “one  time bigtime” ang  operasyon  ng NCRPO sa loob  ng apat na buwan, mula July hanggang November 2015.

Kasabay nito, inutos ni Pagdilao sa RAIDSOTG na higpitan pa ang pagbabantay at monitoring sa Metro Manila  laban sa iligal na  droga laluna  ngayong Yuletide season

Umapela din ang NCRPO sa Local Government Units (LGUs) sa pakikipag-ugna-yan sa Barangay Anti-Illegal Drug Abuse Council (BADAC) gayundin sa PDEA, DILG, DSWD,DepEd at ibang ahensiya ng pamahalaan na patuloy na makipagtulungan na mahuli ang illegal drug traders, pushers at users sa kalakhang Maynila.

Anya, mas madaling masasawata ang problema sa illegal drugs sa bansa kung ang lahat ay nagtutulungan sa kampanya laban dito.

Show comments