MANILA, Philippines – Ilulunsad ng Manila City hall ang E-Trike o Electronic Tricycle na naglalayong magbigay ng kabuhayan sa mga Manilenyo.
Sa pangunguna ni Manila 3rd District Councilor Bernie Ang, ang E-Trike ay magiging bahagi ng Employment Realization Assistance Program (ERAP) na naglalayong mabigyan ng kabuhayan ang mga taga-lungsod.
Aabot sa 5,000 ang E-Trike ang ipamamahagi kung saan ilalagay ito sa Chinatown, University Belt, Malate at Ermita.
Irerekomenda din ito sa mga malalaking malls upang magsilbing seattle ng kanilang mga mamimili. Ihahatid ang mga shoppers mula malls hanggang sakayan.
Nabatid naman sa isang opisyal ng city hall na kailangan nang simulan ang paggamit ng E-Trike dahil unti-unti nang ipe-phase out ang mga tricycle.