Pagawaan ng pekeng plaka ng sasakyan, sinalakay ng NBI

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI)  ang isang 50-anyos na negosyante na sinasa-bing ‘utak’ sa paggawa at pagbebenta ng mga pekeng plate number ng sasakyan, sa ginawang pagsalakay sa Tondo, Maynila, kahapon ng hapon.

Kasalukuyang nakapiit sa detention facility ng NBI  ang suspek na kinilalang George Mendioro, residente ng Batangas St., malapit sa panulukan ng Jose Abad Santos Avenue, Tondo.

Nanguna sa pagsalakay ang supervising agent ng NBI-Anti-Organized Transnational Crime Division na si  Manny Fayr, sa bahay ng suspek sa  Batangas St.,dakong alas 12:55 ng hapon .

Sinamsam ng mga operatiba ang  mga metal na ang iba ay may nakatatak ng numero o kumpleto na para gamiting plaka ng sasakyan, habang ang ibang metal plate ay blangko pa.

Nabatid  na iginagawa ni Mendioro ang sinumang nais magpagawa ng plaka sa halagang P350.00 ang isa.

Bukod sa kinikita ni Mendioro, may komisyon umanong nakukuha ang nagsisilbing mga ahente ng mga parukyano ni Mendioro.

Kasunod nito, dakong alas- 2:30 ng hapon nang salakayin din ang 1739 Parking St., sa Claro M Recto Avenue, sa Sta.Cruz, na nakumpiskahan naman ng mga pekeng driver’s license gayunman  walang nadakip na suspek.

Show comments