3 patay sa hostage-suicide sa Maynila

MANILA, Philippines – Tatlo ang patay sa hostage drama sa isang kompanya ng salamin sa Sta. Cruz, Maynila ngayong Huwebes.

Hindi pa naman natutukoy ang pagkakakilanlan ng mga nasawi, kung saan ang isa ay ang mismong security guard na nang-hostage sa kaniyang mga kasamahan sa Chain Glass Enterprise Inc.

Bukod sa mga nasawi ay dalawang katao pa ang sugatan na kaagad isinugod sa Chinese General Hospital.

Ayon sa mga ulat, nag-ugat umano ang insidente matapos sisihin ang security guard sa pagkawala ng P1 milyon.

Pinapunta pa ng mga awtoridad sa hostage scene ang asawa ng suspek upang kumbinsihin siya na sumuko, ngunit hindi ito nangyari.

 

Show comments