Kelot patay sa lamay

MANILA, Philippines – Napatay  ang isang 26-anyos na binata nang barilin sa ulo habang nakikipaglamay sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Dead-on-arrival sa Gat Andes Bonifacio Hospital ang biktmang si Raymond Rongcales, miyembro ng Batang City Jail , residente ng Area  A. Gate 1 Parola Compound, Tondo dahil sa tinamong bala sa ulo.

Inaalam pa ang pagka­kakilanlan ng dalawang suspek na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente alas-2:30 ng madaling araw sa  Area A, Gate 2, sa Parola.

Nakaupo umano sa isang bangko ang biktima nang biglang lumutang ang dalawang suspek. Isa ang lumapit at pinaputukan ito sa ulo habang ang isa ay nahihintay lamang na nagsilbing look-out. Kapwa naglakad lamang papalayo ang mga suspek.

Inaalam pa ang motibo sa pamamaslang at pagkilanlan ng dalawang suspek.

 

Show comments