MANILA, Philippines – Patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang tropical cyclone na nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon kay Jun Galang, weather forecaster ng PAGASA patuloy ang monitoring ng ahensiya sa naturang bagyo dahil sa inaasahang pagpasok nito sa PAR.
Anya may maliit na tsansa silang nakikita sa posibleng pagpasok sa PAR ng naturang bagyo sa susunod na 24 oras.
Kahapon, ang naturang tropical storm ay namataan sa layong 3,580 kilometro ng silangan ng Mindanao at may kalayuan pa ito bago makaapekto sa ating bansa.
Magiging maulap naman ang kalangitan na may paminsang pag-ulan sa Mindanao dahil sa epekto ng intertropical convergence zone samantalang maaliwalas ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila.