^

Metro

Commando member itinumba

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Todas ang isang miyembro ng ‘Commando Gang’ nang abangan at pagbabarilin ng hindi pa tukoy na salarin habang naglalakad upang bumili ng pagkain, sa Tondo, Maynila, kahapon ng mada-ling-araw.

Dead on the spot ang biktimang si Dennis Rodriguez,  35, pedicab driver at residen- te ng Sto. Niño St., Tondo dahil sa tinamong tama ng bala sa noo na tumagos  sa likod ng ulo.

Sa ulat ni SPO2  Charles John Duran ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 12:40 ng madaling-araw nang marinig ng mga residente ang dalawang malakas na putok ng baril at nang alamin ni Roberto Sibu Jr., na Ex-O ng Barangay 15, Zone 2,  sa Tondo ay nakita niyang nakahandusay na at duguan ang biktima sa panulukan ng Zaragosa at Delpan Sts.

Nagtamo ng tama ng bala sa noo,  na naglagos sa likurang bahagi ng ulo, kaya sinasabing malapitang binaunan ng bala ang biktima, bukod pa sa tama ng bala sa kaliwang braso.

Bagamat sinabi ng kaanak na wala silang alam na kaaway ang biktima, lumabas sa beripikasyon na labas-masok ito ng kulungan kaugnay sa kasong robbery, kaya hinalang kasamahan niya ang salarin at hinalang onsehan ang isa sa motibo ng pagbaril.

Gayunman, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon.

vuukle comment

ANG

ATILDE

BAGAMAT

CHARLES JOHN DURAN

COMMANDO GANG

DELPAN STS

DENNIS RODRIGUEZ

EX-O

GAYUNMAN

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

ROBERTO SIBU JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with