Adik nagwala sa ER ng PGH

MANILA, Philippines – Isang 34-anyos na lalaki na sinasabing lulong sa ipi­nagbabawal na gamot ang nagwala at nagtangkang manakit sa isang doctor sa loob ng emergency room ng Phil. General Hospital.

Ayon kay Superintendent Albert Barot, ng Manila Police District station 5 commander na si Armando Perdis, ng Oro B Estrada Sta Ana. Manila ay nadakip alas-4 ng hapon dahil sa illegal possession ng droga at dinala sa PGH para sa kinakailangang medical examination.

Sa loob ng emergency room, sinasabing nakita ni Pe­dris ang doktor na may dalang pang-iniksyon kung kaya nagsimula na itong magwala. Agad na nakahablot ng matulis na bagay ang suspect at tangkang aatakihin na ang doktor subalit naagapan ito ng mga security sa pagamutan.

Nasamsam sa suspect ang may 10 sachets ng shabu, habang lumabas sa medical findings na high sa droga ang una.

Show comments