Parak pinasabog ang mukha

MANILA, Philippines – Patay sa dalawang tama ng bala sa mukha ang isang  pulis, kahapon ng madaling araw sa  Quiapo, Maynila.

Dead-on-the-spot si PO3 Saripoden Malawi Pangcoga, 36.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO4 Glenzor Vallejo,ng Manila Police District-Homicide Section naganap ang insidente dakong alas -12:40 ng madaling araw sa  Bakerite Building sa panulukan ng Hidalgo at CP De Guzman Sts., Quiapo, Maynila.

Base sa kuha ng CCTV nakaupo ang biktima  sa giid ng nasabing  gusali at tila may hinihintay nang biglang barilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek.

Wala namang makapagbigay ng anumang impormasyon sa pagkakapatay sa pulis.

Nawawala naman ang cellphone at service firearms ng biktima habang ang wallet at ID nito ay nasa kamay ng  MPD.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa motibo ng pagpaslang sa nabanggit na parak.

Show comments