^

Metro

2 itinumba dahil sa droga

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawalng lalaki ang pi­naniniwalaang itinumba ng isang sindikato ng iligal na droga  sa Port Area, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala sa pamamagitan ng Identification card ang isa sa biktima na si Mario Estacio lll, tinatayang 30-35-anyos, katamtaman ang pangangatawan, mahaba ang buhok, nakasuot ng puting t-shirt at pula sa loob, maong na shortpants, samantalang hindi naman nalalayo ang edad ng isa pang biktima, may tattoo na tribal sa kaliwang braso, nakasuot ng kulay dilaw na jersey shirt, camouflage na shortpants at asul na sapatos.

Sa ulat ni PO3  Dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-2:30 ng mada­ling araw  nang umalingawngaw ang magkakasunod na pu­tok sa  Roberto Oca St., sakop ng Brgy. 650 Zone 68, sa Port Area.

Sa naunang report ng Baseco Police Community Precinct, nang responde­han ng grupo ni Senior Insp. Joe­vie Astucia ay nakitang nakahandusay ang duguang mga biktima. Isa sa kanila ang may tama ng bala sa kanang mata at ang isa ay sa sentido, bukod pa sa mga tama sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Walang makapagsabi kung paano at sino ang mga sangkot sa pamamaril.

May hinala naman ang pulisya na ugat ng krimen ang talamak na bentahan ng iligal na droga, gayunman patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ASTUCIA

BASECO POLICE COMMUNITY PRECINCT

BRGY

DENNIS TURLA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARIO ESTACIO

PORT AREA

ROBERTO OCA ST.

SENIOR INSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with