Dry run sa APEC isasagawa 3 kalsada sa Malate isasara ngayon

MANILA, Philippines – Tatlong kalye sa bahagi ng Malate, sa Maynila ang isasara ngayong araw ng (Bi-yernes), Oktubre 30, bilang praktis o dry run sa pinaghahandaang seguridad ng gagana-ping APEC economic leaders forum sa Nob­yembre.

Sa advisory ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), simula alas-6:00 ng umaga ngayon sarado sa mga motorista ang Century park street mula Adriatico hanggang sa Mabini Sts., P. Ocampo St. mula sa Adriatico hanggang sa Roxas Boulevard; at Adriatico mula Quirino hanggang P. Ocampo Sts.

 Dahil dito, pinapayuhan na lamang ang mga motorista na magmumula sa Pasay o south ng Metro Manila ay dumaan sa Roxas Blvd, ang manggagaling sa Quirino Avenue naman na patungong South ay dumiretso rin sa R. Blvd.

Tatapusin umano ang pagsasagawa ng dry run bago buksan ang mga nasabing kalyeng nabanggit.

Show comments