^

Metro

Kahit Undas may re-blocking

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling asahan ang masikip na daloy ng trapiko ngayong weekends dahil muling magsasagawa ng road re-blocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) simula ngayong alas-10:00 ng gabi Oct.30  hanggang Nobyembre 2.

Sa abiso kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), narito ang mga apektadong lugar.

Sa bandang Southbound ay ang EDSA, mula Estrella Street hanggang Sen. Gil Puyat Avenue, EDSA pagitan ng  Scout Borromeo at Timog Ave­nue (Service Road), 1st lane mula sidewalk.

Sa Northbound naman ay ang  kahabaan ng C-5 Road pagitan ng SM Warehouse hanggang FR Cement papuntang Lanuza Street, in­nermost lane,  EDSA pagitan ng Aurora Boulevard  at K-10 Street, 1st lane mula  sidewalk.

Ayon kay Emerson Carlos, Officer-in-Charge ng  MMDA,  ito aniya ang re­ko­men­dasyon ni DPWH-National Capital Region Director Melvin Navarro para aniya sa road maintenance purposes.

Nabatid na ang mga apektadong lugar ay magagamit lamang ng motorista alas-5:00 ng umaga, kaya’t payo ng MMDA iwasan ang mga ito para hindi matrapik.

ACIRC

ANG

AURORA BOULEVARD

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

EMERSON CARLOS

ESTRELLA STREET

GIL PUYAT AVENUE

LANUZA STREET

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NATIONAL CAPITAL REGION DIRECTOR MELVIN NAVARRO

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with