NAPOLCOM official, nag-viral sa facebook, sinibak

MANILA, Philippines – Sinibak na sa kanyang posisyon ng National Police Commission-NCR ang isang babaeng opisyal matapos maging viral sa social media (facebook) ang pakikipagtalo nito sa isang barangay official at sa dalawang pulis kahapon, na nasa mahigit  dalawang milyon na ang nag-like dito.

Sa naging kautusan ni NAPOLCOM Vice-Chairman Eduardo Escueta kay Atty. Ferdaussi B. Masnar, acting director ng NAPOLCOM, NCR, nagpalabas ito ng isang memorandum para sibakin  sa position bilang acting chief ng  Administrative Division si Ana Maria L. Paglinawan.

Bukod dito, pinaiimbestigahan na rin si Paglinawan hinggil sa naging asal nito.

Nabatid na  lumabas sa Police Digest Facebook page noong Miyerkules, Oktubre 27, 2015 hinggil sa isang video na nakikipag-away umano si Paglinawan sa isang barangay official at dalawang pulis sa Bacoor, Cavite.

Kung saan nagbitaw ito nang maaanghang na salita laban sa mga nakatalo nito, na naging viral sa social media at mahigit nasa 2 million na ang nag-like.

 

Show comments