MANILA, Philippines – Para na rin sa kaalaman ng mga motorista, suspen-dido na ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVV RP) o number coding scheme simula bukas (Oktubre 30) kaugnay pa rin sa paggunita ng All Saints Day sa Nobyembre 1.
Abiso ito kahapon ng Metropolitan Manila Develop-ment Authority (MMDA).
Ipinasya ng MMDA na suspindihin ang number coding sa mga pampubliko at pampribadong behikulo upang agad na makaalis o makabiyahe ang mga nais nang umuwi sa kanilang mga probinsiya.
Samantala, balik na rin ang implementasyon ng number coding sa Lunes (Nobyembre 2).
Kasabay nito, nilinaw ni Carlos na exempted sa number coding ang mga provincial buses sa Nobyembre 2 dahil na rin sa inaasahang pagdagsa na naman ng mga magbabalikan sa Metro Manila.