Bus nagliyab sa EDSA

MANILA, Philippines - Isang pampasaherong bus ang nasunog,  na nagdulot nang  pagsisikip sa daloy ng trapiko sa ilang bahagi­  ng EDSA sa Makati City, kaha­pon ng umaga.

Ayon kay Emma Loristo, ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Metrobase, base sa nahagip ng CCTV camera, alas-9:06 ng umaga nang masunog ang Nova Bus, (TWS-207) sa may Northbound lane ng Ayala-EDSA ng naturang lungsod. Mabuti na lamang at kaagad na nakababa ang driver, konduktor at mga pasahero ng naturang bus nang bigla itong magliyab.

Alas-10:00 ng umaga nang maapula ang apoy ng natu­rang bus nang rumispondeng mga bumbero ng Makati City. Iniim­bestigahan pa ng mga awtoridad ang nasabing insidente.

Show comments