Bus nagliyab sa EDSA
MANILA, Philippines - Isang pampasaherong bus ang nasunog, na nagdulot nang pagsisikip sa daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng EDSA sa Makati City, kahapon ng umaga.
Ayon kay Emma Loristo, ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Metrobase, base sa nahagip ng CCTV camera, alas-9:06 ng umaga nang masunog ang Nova Bus, (TWS-207) sa may Northbound lane ng Ayala-EDSA ng naturang lungsod. Mabuti na lamang at kaagad na nakababa ang driver, konduktor at mga pasahero ng naturang bus nang bigla itong magliyab.
Alas-10:00 ng umaga nang maapula ang apoy ng naturang bus nang rumispondeng mga bumbero ng Makati City. Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang nasabing insidente.
- Latest