No. 1 most wanted sa Metro Manila, timbog

STAR/ File photo

MANILA, Philippines - Arestado ang itinuturing na   number 1 most wanted person sa Metro Manila, na sangkot sa pagpatay sa isang  police official sa isang follow-up operation na isinagawa ng Regional Police Intelligence Operating Unit ng National Capital Region Police Office (RPIOU-NCRPO) sa Makati City,  kahapon ng madaling-araw.

 Kinilala ang nadakip na si Paul Jhon Romeral,37, naninirahan sa Luna St. Pasay City. 

Si Romeral ay nadakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ro­sario Ragasa, ng Pasay City Regional Trial Court, Branch 108 dahil sa kasong murder. 

Nabatid na namataan  sa isang punerarya sa Arnaiz St., Makati City alas-12:00 ng madaling-araw ang suspect kung saan doon siya inaresto. 

Base sa rekord ng pu­lisya, nabatid na tatlo katao na ang pinatay ni Romeral kabilang si Police Senior Inspector Virgilio Sinlo, nakatalaga sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit ng NCRPO noong Agosto 15, 2012 sa Solitaria St., Pasay City. 

Nabatid, na kinagat uma­­no si Sinlo ng alagang aso ng tatay ng suspek na nauwi sa mainitang pag­­tatalo. 

Sa kainitan ng komprontasyon ay doon na pinagbabaril ng akusado ang naturang opisyal ng PNP

Bukod sa kasong murder, sangkot din sa droga ang naturang akusado, kung kaya’t itinuring ito ng pulisya na number 1 most wanted person sa Metro Manila.

 

Show comments