^

Metro

Presidente ng TODA, itinumba

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang pangulo ng asosasyon ng tricycle at operator makaraang patray­dor na barilin mula sa likod ng hindi nakikilalang salarin habang ang una ay pasakay ng kanyang motorsiklo papauwi buhat sa kanilang meeting sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Detection Unit (CIDU) ang biktima ay nakilalang si Ernesto Guerrero, 59, presidente ng United Federation Tricycle Operator Drivers Association (UFTODA),  at residente ng  Road 12, NDC Compound, Brgy. 628, Manila.

Sa imbestigasyon ni PO2 Julius Raz, nangyari ang insidente sa  tapat ng Manila Triwheel Regulatory Office Compound, sa kahabaan ng A. Bonifacio Ave., Brgy. Paang Bundok, sa lungsod ganap na alas- 4:45 ng hapon.

Bago ito, kagagaling lamang umano ng biktima sa pakikipag-pulong na ipinatawag nito sa kanyang mga miyembro sa UFTODA at papasakay na sa kanyang kulay asul na motorsiklo (N0-14978) nang biglang sumulpot ang salarin mula sa kanyang likod at barilin ito.

Dead on the spot sa lugar ang biktima habang mabilis namang tumakas ang suspect sakay ng isang kulay green na tricycle na walang plaka patungo sa hindi mabatid na direksyon.

Patuloy ang imbes­ti­gas­yon ng CIDU upang mabatid ang motibo ng pamamaril kung saan kabilang na dito ang anggu­long may kinalaman sa kanilang asosasyon o per­sonal vendeta dahil sa po­sisyong hinahawakan nito. 

ACIRC

ANG

BONIFACIO AVE

BRGY

DRIVERS ASSOCIATION

ERNESTO GUERRERO

JULIUS RAZ

MANILA TRIWHEEL REGULATORY OFFICE COMPOUND

PAANG BUNDOK

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION DETECTION UNIT

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with