MANILA, Philippines – Pinalakas ng water concessionaire na Manila Water ang information drive para mapaghandaan ng mga kostumer ang mga paraang gagawin sa papatinding epekto ng El Niño phenomenon.
Sa ilalim ng programa, katulong ng Manila Water ang mga residente, punong barangay, mga local government units at mga pinuno ng mga homeowners associations para mabigyan ng kaalaman ang publiko para maibsan ang epekto ng El Niño.
Ayon kay Maynilad OIC for Corporate Strategic Affairs at Corporate Communications Head Jeric Sevilla, kinakailangan ang wasto at responsableng paggamit ng tubig bilang tulong ng mga mamamayan upang mas lalong tumagal ang suplay ng tubig sa Angat Dam hanggang sa susunod na taon.
Sinasabi ng PagAsa na magtatagal ang epekto ng El Niño hanggang sa unang quarter ng susunod na taon kayat kailangang magtipid sa paggamit ng tubig ang mamamayan.
Sa ngayon, may 155 barangays o halos 300,000 mga kabahayan sa eastern Metro Manila at Rizal ang apektado ng pagbabawas ng water pressure ng Manila Waters o ang pagpapatupad ng 7 hours na water interruption mula alas-9 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling-araw.