Abi Binay sa asawa niya: Businessman siya, hindi basta pinulot

Nais ni Makati City Rep. Abigail Binay na maipagpatuloy ng kaniyang asawang si Luis Campos ang kaniyang mga nasimulan para sa lungsod. Facebook/Abigail Binay

MANILA, Philippines —Dahil tapos na ang kaniyang termino, tatakbong kongresista ng Makati City ang asawa ni Rep. Abigail Binay sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA).

Nanilbihan na ng tatlong magkakasunod na termino si Binay kaya naman nais niyang maipagpatuloy ng kaniyang asawang si Luis Campos ang mga nasimulan niya para sa lungsod.

"Kasi gusto ko ho yung mga proyekto ko maituloy niya. Problema 'pag iba na 'yung nakaupong congressman iibahin na yung napagpatuloy namin na proyekto," pahayag ni Binay ngayong Lunes.

Sinabi ng kongresista na kwalipikado ang kaniyang asawa na may master's degree sa business administration.

"Businessman po siya. Hindi naman siya pinulot lang somewhere," depensa ni Binay.

Sumama si Binay sa paghain ni Bise Presidente Jejomar Binay ng certificate of candidacy bilang Pangulo sa Commission on Elections.

Kasama rin ng nakatatandang Binay ang kaniyang running mate na si Sen. Gringo Honasan.

Show comments