^

Metro

Bus hostage sa Maynila, suspect bulagta

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang hostage-taker na armado ng improvised ice pick nang barilin ng  mga rumespon-deng tauhan ng Manila Police District (MPD) habang hino-hostage nito ang  isang  babaeng  estudyante ng Technological University  of the Philippines (TUP) sa loob ng pampasaherong bus, sa panulukan ng Pedro Gil St., sa Ermita, Maynila, kahapon ng hapon.

Inaalam pa ang pagka­kakilanlan sa nasawing hostage-taker na inilarawan sa edad na 30 hanggang 35-anyos; nakasuot ng jersey shorts at plain white t-shirt’, nasa 5’5 hanggang 5’7 ang taas, maiksi ang buhok at mistulang bangag sa iligal na droga. Idineklara itong dead on arrival sa kala­pit na Phil­ippine General Hos­pital (PGH) dahil sa tatlong bala na tinamo.

Ang hinostage naman na nakilalang si Mariel Salvador, 3rd year graphic arts student ng TUP ay dinala din sa PGH trauma section upang isailalim sa stress debriefing, at wala namang sugat na natamo.

Sa inisyal na ulat ni P/Supt. Albert Barot, hepe ng MPD-station 5, naganap ang insidente dakong  alas-2:20 ng hapon sa southbound lane ng Taft Avenue, malapit sa PGH at Pedro Gil LRT station.

Nabatid mula sa ilang  pa­sahero na ang suspek ay sumakay sa HM Transport bus (TYV-303) sa bahagi ng Lawton at sinundan umano ang isang lalaking pasahero. Bumaba naman umano kaagad ng bus ang lalaki.

Nang pumasok sa loob ng bus ay tinutukan naman  ng suspect  ng ballpen ang isang babaeng pasahero na nairita  at umalis sa upuan.  

Lumipat naman sa unahang bahagi ng bus ang suspek at tinutukan naman ng ice pick ang biktimang estudyante ng TUP  at pinabubuksan ang bag.

Nagsumbong sa driver na  si Mario Olivar ang es­tudyante at sinabihan uma­no ang suspek na “Wag ako manong” kaya nagalit umano ang suspek. Inihinto ang bus at naging dahilan ng matensiyong tagpo sa loob ng bus paglagpas sa tapat ng PGH.

May nagsitakbo sa liku­ran at binuksan ang bintana kung saan sila nagtalunan upang makaiwas, at nabatid na marami din ang nagasgasan at nasugatan dahil  sa pagkakagulo.

Mabilis naman ang res­ponde ng mga tauhan ng MPD-station 5 at ng Lawton Police Community Precinct (PCP) sa pangunguna ni Sr.Insp. Dionnel Brannon at nagawang mabaril ang suspek habang nangho-hostage.

Dumating din ang mga tauhan ng Special Wea-pons and Tactics, MPD director Rolando Z. Nana at sina Mayor Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno, na nagsabing nasa 30 minuto lamang ay natapos na ang hostage drama   at napatay na ang suspek.

Nabatid na  yumuko uma­no ang TUP student nang maaninag ang mga pulis kaya nagkaroon ng pagkakataon  si Insp. Brannon at isa pang pulis na barilin ito.

Handa namang bigyan ng  commendation ng Manila City government ang mga tauhan ng Manila Police District na mabilis na nakaresponde sa naganap na hostage taking.

Ayon kay Estrada, ipina-kita lamang ng mga pulis  na handa sila sa anumang mga pangyayari  lalo pa’t buhay ng  mga inosenteng tao ang  nasa bingit ng kamatayan.

Sinabi naman ni Mo­re­no, na tama lamang ang gina-wa ng MPD na dahil in­di­kasyon lamang ito na natuto na ang mga ito sa naganap na 2010 Luneta hostage crisis. (Doris France-Borja)

 

ACIRC

ALBERT BAROT

ANG

BUS

DIONNEL BRANNON

DORIS FRANCE-BORJA

GENERAL HOS

MANILA POLICE DISTRICT

MGA

NBSP

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with