2 bigtime ‘tulak’, arestado

MANILA, Philippines - Arestado ang dalawang kalalakihan, kabilang ang no. 2 top priority target drug personality sa isinagawang buy-bust operation ng Quezon City Police District sa lungsod, iniulat kahapon.

Sa ulat ng QCPD-Station Anti-illegal Drugs ng PS-10, ang mga suspect ay kinilalang sina Edu Lumboy, 32, at John Dela Cruz, 46, kapwa residente sa Brgy. Obrero sa lungsod.

Narekober sa mga suspect ang limang piraso ng plastic sachet na nag­lalaman ng shabu,  isang piraso ng aluminum foil na may bakas ng shabu, isang piraso ng glass tooter­ at iba pang paraphernalia sa paggamit ng iligal na droga.

Naaresto ang mga sus­pect sa bahay ni Lumboy na siya umanong ika-top 2 priority target ng operatiba sa may Makabayan St., Brgy. Obrero, ganap na alas-9 ng gabi.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang comprehensive dange­rous drugs act of 2002 ang kinakaharap ngayon ng mga suspect.

 

Show comments