Bus salpok sa trailer truck: 6 sugatan

MANILA, Philippines – Anim na pasahero ang sugatan  matapos sumalpok sa isang trailer truck ang sinasakyan nilang bus, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon City Police Traffic Enforcement Unit chief, Senior Insp. Ro­mulo Mabborang ang mga sugatang biktima na sina Flora Espino, 36; Mary Jane Vitan,  35; Ayeesha Bautista, 27; Rheena Shiella Formi­gones, 22;  Raquel Dela Cruz,  33 at Rodrigo Malla­ri,  58, na pawang ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital.

Base sa imbestigasyon, naganap ang insidente alas-10:00 ng gabi sa South­bound lane ng McArthur Highway, panulukan  ng Pinagtipunan Cir­cle Exit, Brgy. Potrero ng naturang lungsod ha­bang  binabagtas ng isang Golden Dragon bus (AHG-225)  na minamaneho ni Erwin Bantaculo, 39, ang lugar at sa isang palikong lugar ay nasalpok  nito ang isang trailer truck na may plakang TYD-714, na mimaneho n­aman ni Mauro Francico.

Sa lakas ng impact, nag­resulta ito upang masugatan ang anim na pasahero ng naturang bus.

Show comments