^

Metro

4 MPD cops ‘nang-arbor’ ng 2 ‘tulak’, sinisiyasat

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Apat na pulis-Maynila ang inimbestigahan ng San Juan City Police dahil umano sa ‘pang-aarbor’ sa dalawang bebot na ‘tulak’  na dinakip sa isang buy bust operation sa San Juan City, kamakalawa ng gabi.

Hindi na tinukoy pa ang pangalan ng apat na pulis na ang isa ay may ranggong Chief Inspector (Major) na sinasabing sumailalim sa tactical interogasyon sa Estern Police District (EPD).

Bago ang insidente, dinakip muna ng mga tauhan ng San Juan police ang dalawang babae na sinasabing pusher sa kanilang lugar.

Kinilala ang mga suspek na sina Leah Sarip at Norie Mohammad, residente ng N. Domingo, San Juan City, at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act.

Batay sa ulat ni SPO1 Gener Antazo, ng San Juan Police, nabatid na dakong alas-7:00 ng gabi nang isagawa ang buy bust operation sa loob ng isang kilalang fastfood chain sa N. Domingo St., Brgy. Balong Bato, San Juan City.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang sachet na may lamang pulbos na hinihinalang shabu, kaya’t kaagad na inaresto ang mga ito.

Agad naman nagtu­ngo sa San Juan police ang apat na pulis -Maynila at umano’y tinangka nilang ‘arborin’ ang dalawang bebot na sinasabing target din ng mga pulis-Maynila.

ACIRC

ANG

BALONG BATO

CHIEF INSPECTOR

DOMINGO ST.

DRUGS ACT

ESTERN POLICE DISTRICT

GENER ANTAZO

MAYNILA

SAN JUAN

SAN JUAN CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with