^

Metro

Relocation ng mga squatters, sinimulan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nililipat na ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang mga informal settlers families (ISF) na naninirahan sa mga creek sa Metro Manila. Ito naman ang napag-alaman mula kay PRRC Information Officer Manolito Boots Nicolas na nagsabi pang kabilang sa mga unang inilipat ay ang 39 na ISF na galing sa Brgy. Bahay Toro, Quezon City patungo sa NHA Relocation site sa Villa Elise, Brgy. Masuso in Pandi, Bulacan.

Ang dalawang-araw na relocation activities ay sini­mulan alas-8:00 ng umaga kahapon at magtatapos alas-5:00 nga­yong hapon, September 30. Ang mga informal settler families ay galing sa gilid ng mga creek sa Culiat Creek at sa  Pasong Tamo Creek sa Kyusi at Mahabang Layon, kung saan ay matagal na rin silang na­ging obstruction.

Tinitiyak ni Nicolas na sa sandaling makumpleto ang relokasyon ay maaari nang  daanan ang mga kalsada sa gilid ng creek kung saan ay itatayo rin ang mga linear park. Maaari lamang makalipat sa mga relocation site ang mga ISF sa sandaling magsumite sila ng katunayan na giniba na ang kanilang mga bahay o certificate of demolition.

Ang relocation ay pina­ngunahan ng PRRC Housing Division sa pakikipag-coordinate ng National Housing Authority at  Barangay Bahay Toro Chairman Dennis Caboboy at mga kagawad. Ang PRRC ay tinatag  sa pamamagitan ng Executive Order 54 noong January 1999 para sa rehabilitation, ng Pasig River para magamit na alternatibong transportation, re­creation and tourism.

ACIRC

ANG

BAHAY TORO

BARANGAY BAHAY TORO CHAIRMAN DENNIS CABOBOY

BRGY

CULIAT CREEK

EXECUTIVE ORDER

HOUSING DIVISION

INFORMATION OFFICER MANOLITO BOOTS NICOLAS

MAHABANG LAYON

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with