^

Metro

Bebot dinedo ng naka-SUV

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinagbabaril at napatay ang isang ginang habang ito ay papalapit sa kanyang sasakyan sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay PO2 Louie Serbito, sa dami ng tinamong tama ng bala, agad na nasawi ang biktima na nakilala lamang sa pamamagitan ng kanyang SM advantage card sa pangalang Rowena C. Abella.

Habang mabilis namang tumakas ang suspect na sakay ng isang kulay itim na Toyota Fortuner na hindi naplakahan.

Nangyari ang insidente sa may harap ng isang banko sa  Quezon Avenue malapit sa kanto ng J.Abad Santos St., Brgy.  Sta Cruz, ganap na alas- 3:30 ng madaling araw.

Ayon kay Myla Villarba, kaibigan ng biktima, bago ang pamamaril, kasama niyang nakatayo sa naturang lugar ang biktima at isa pang kaibigan nang dumating ang isang Toyota Fortuner at huminto ilang hakbang ang layo mula sa kanila.

Pagkahinto ng sasakyan, nagpasya ang biktima na lapitan ang driver nito, pero hindi pa nakakalapit umano ang una ay bigla na lang itong pinagbabaril ng huli, saka mabilis na tumakas.

Lumabas sa pagsusuri sa bangkay ng biktima na nagtamo ito ng multilple gunshots wounds sa kanyang kaliwang kili-kili na siyang agad na ikinasawi nito.

Patuloy ang pagsisiyasat ng otoridad sa nasabing insidente.

ABAD SANTOS ST.

ABELLA

ANG

AYON

BRGY

LOUIE SERBITO

MYLA VILLARBA

QUEZON AVENUE

ROWENA C

STA CRUZ

TOYOTA FORTUNER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with