Kelot lasog sa SUV

MANILA, Philippines – Lasog ang isang lalaki nang mabundol at pumailalim ito sa isang  Sport Utility Vehicle (SUV) habang ang una ay  nagbibisekleta sa kahabaan ng Macapagal Boulevard Parañaque City, ka­hapon ng umaga.

Dead on the spot ang bik­timang si Luis Christopher Da-lisay, ng  Merville, Parañaque City, nakilala ito sa pama-magitan ng temporary license na nakuha sa pitaka nito.

Nasa custody naman ng pulisya ang driver na si Juan Ramirez Ignacio, 34, ng Dasmariñas, Cavite.

Ayon sa natanggap na report ni Senior Supt. Ariel Andrade, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-7:00 ng umaga sa kahabaan ng Diosdado Macapagal Boulevard ng nasabing lungsod.

Nabatid, na nagbibisekleta ang biktima sa center island sa naturang lugar ng hindi makontrol ng suspek ang preno ng  minamanehong SUV  na may ( ZNP-690) ma­­tapos itong mag-overtake dahilan upang mabundol nito ang biktimang si Dali­say na  pumailalim pa sa SUV at nagulungan ang ulo at katawan.

Show comments